May 15 2008 bloggers unite for human rights

today is a very memorable day for the world history because people all over the world united to blog for human rights,this event will target each and every heart of human being and will stand up for our rights.Here in the Philippines almost everyday is a human rights day , everyone is fighting against the government,just like the other day , jeepney drivers protested for the continuous increase of oil prices , as form of disagreement they stopped from operating .

*from one of the jeepney drivers in Las Pinas

MAYO 12, WELGA TAYO!” Sobra na! Tama na! Labanan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis!

Wala nang atrasan Tuluy na ang Pambansang Welgang Transportasyon ! LABAN SA KASAKMAN NG DAYUHANG KARTEL SA LANGIS AT PAKIKIPAGSABWATAN NG KORAP NA REHIMENG ARROYO!

Dapat lang na tapatan ng matinding sama-samang pagkilos ang piso-pisong lingguhang pagtaas ng presyo ng langis.Pitong piso (P7) pa ang parating ! Walang kabusugan ang kasakiman ng dayuhang kartel sa langis.Nalulugi raw sila tuwing tumataas ang presyo sa abroad , pero ang Petron, tumubo ng P6.4 bilyon,samantalang ang Pilipinas Shell,tumubo ng P6.36 bilyon ng taong 2007. Ang kanilang dambuhalang tubo ay galing sa 12-16 oras pamamasada natin upang matipon ang barya-baryang pinaghirapan naman ng mga mamamayang mananakay natin. Malinaw na malinaw , ang yaman ng mga kumpanya ng langis ay galing sa pagsasamantala at pambubusabos sa driver at mamamayan.

Pero dapat ding ikondena ang pakikipagsabwatan ng gobyerno ni Arroyo sa Pangunahing tagapagtaguyod ng Oil Deregulation Law. Sa pamamagitan ng batas na ito, nakatali ang kamay ng gobyerno sa usapin ng presyo at suplay ng langis.Habang binabantayan ng mga ahensya ng gobyerno ang halaga ng pasahe , ang sahod ng manggagawa at suweldo ng mga kawani , buong laya namang nagtataas ng presyo at tubo ang mga dayuhang kumpanya ng langis.

Nag-tongpats pa ng 12% na EVAT , o Expanded Value Added Tax sa mga driver at mamamayan na gumagamit ng langis. Mahigit P4 na ito bawat litro ng mga produktong petrolyo.Pero ang corporate tax na 35% sa mga korporasyon gaya ng Shell,Caltex at Petron, ay gagawing 30% na lang, o kawalan ng P15 bilyon sa kaban ng bayan.

Itigil ang pagtaas ng presyo ng langis! Kagyat na alisin ang 12 % EVAT sa langis! Ibasura ang Oil Deregulation Law! Isabansa ang industriya ng langis!

LUMAHOK SA WELGANG TRANSPORTASYON SA MAYO 12, 2008

All Transportation Forum Against Oil Price Increase (ATFAOPI) at PISTON”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s